Wireless Charger - Parang Wifi Lang

Naiinis ka ba kung minsan di mo mahanap ang charger mo? O kaya naman kulang ang saksakan sa kwarto mo. Ito na ang solusyon, ang Cota Wireless Charger.


Ang Cota Wireless Power na gawa ng Ossia ay nagsimulang pagaralan mula 2001 pa. Hindi pa ito binebenta sa ngayon pero sa loob ng 5 taon maaari ka nang makagamit nito basta meron kang pambili, kaya ngayon pa lang magipon ka na.


Paano ito gumagana?

Ang Cota Wireless Power ay binubuo ng dalawang parte. Ang transmitter at receiver. Ang transmitter ang parang charger mo at ang reciever naman ay maliit na microchip na kinakabit sa gadget mo tulad ng cellphone.



ang transmitter ay nagpapadala ng kuryente sa cellphone mo para macharge

Kapag lowbatt ang ang cellphone mo, magpapadala to ng signal sa reciever para macharge na siya ng wireless. Astig di ba?

ito ang reciever, ito na ang charger mo. walang wire at abot ka hanggang 30 feet

ang microchip ay pwede ilagay sa case ng cellphone. Ito ang magdadala ng kuryente sa gadget mo

may battery din sila na may reciever kaya pwede mo din ito gamitin sa remote control ng tv mong flat screen
Ang pagchacharge ay parang nagwiwifi ka na lang. Sa loob ng 5 taon maari ka na magkaroon nito. Gagana ito sa lahat ng bagay na kailangan ng kuryente. Magiimprove pa ito sa pagdaang ng maraming taon. Isipin mo na lang kung wireless na lahat ng gamit mo sa bahay, ang saya di ba? Wala ng maraming wire at saksakan. 

No comments:

Post a Comment